Lunes, Marso 11, 2013

Diskriminasyon, kanser ng lipunan.

Saan lupalop ka man ng mundo, nariyan ang diskriminasyon sa kapwa tao.
Ngunit kung tayo'y totoong nag-aaral ng salita ng Diyos ating mababatid na ito'y mariing tinutulan ng ating Panginoon Hesus.
Balikan natin ang mga tagubilin ng ating Panginoon.
Dito sinagot ni Hesus kung ano nga ba pinakamahalagang utos na dapat sundin ng tao.

Alin po ba ang pinakamahalagang utos?"
            Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos: 'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon nating Diyos ang tanging Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.'  Ito naman ang pangalawa, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.' Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito."
Dito pinabatid ng ating Panginoon na dapat nating ibigin ang ating kapwa tulad ng ating sarili.
Maging sino pa yan o anumang rehiyon ang kanyang pinaniniwalaan ipakita pa din natin at ang tunay na kahulugan ng Kristiyanismo sa ating pamumuhay at pakikipagkapwa tao.
Pagkat lahat ng tao ay bahagi Kristiyanismo.
Kahit anung relihiyon pa man siya nabibilang isa pa din siyang katoliko, bakit sa totoo lang wala naman ibang relihiyon. Katoliko pa din sila naloko lang sila ng mga bulaang propeta, walang ibang relihiyon kundi katolisismo lamang. Marahil ay marami sa atin ang nakakarinig ng di maganda sa kasapi ng ibang relihiyon ngunit di ito dapat maging hadlang upang mahalin natin sila. Bagkus ipakita natin na nasa atin ang presensya ng Diyos at ituro natin ng maayos ang katotohanan ukol sa tunay na turo ng ating Panginoon Hesu Kristo.
             

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento