Ngunit kung ating iisipin bilang isang katoliko tungkulin natin patawarin ang nagkakasala sa atin.
Sayang lang ang ating pagsisimba at pagdarasal ng Ama namin kung di namn tayo marunong magpatawad sa nagkakasala sa atin. Minsan lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, "Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?"
Sinagot siya ni Jesus, "Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung
ulit na pito. Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito:
ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa
kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na
milyun-milyong piso. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari
na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang
ari-arian, upang siya'y makabayad. Lumuhod ang taong ito sa harapan ng
hari at nagmakaawa, 'Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo
ang lahat.' Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang
pagkakautang at pinalaya. "Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na
may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay
sigaw, 'Magbayad ka ng utang mo!' Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya,
'Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita. Ngunit hindi siya pumayag.
Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. "Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't
pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. Ipinatawag ng
hari ang malupit na lingkod. 'Napakasama mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa
utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba't
dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?' At sa galit ng hari, siya'y
ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo
patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid." Sana'y matuto tayong magpatawad nang sa ganun ay patawarin din tayo ng ating Panginoon. Maging mapagkumbaba tayo at sundin ang kalooban ng ating Panginoon.
Paano ko nakuha ang aking Xmas at utang sa negosyo.
TumugonBurahinAng pangalan ko ay si Margaret Shirley, isang nag-iisang ina mula sa Turkey, Instanbul. Masaya ako at nagpapasalamat sa kumpanya ng pondo ng pautang sa mataas na klase sa tulong ni G. Margaret sa pagbibigay sa akin ng isang Xmas / Pautang sa Negosyo sa 3% na rate ng interes sa ika-1 ngOctober2019 . Iniligtas nila ako mula sa pag-loose at refinance ng aking namamatay na negosyo pati na rin .Ang mensahe na ito ay maaaring maging malaking kahalagahan sa iyo mula doon na naghahanap ng isang tunay na pautang para sa Pasko o layunin ng negosyo. Sa iba pa para hindi ka mahulog sa maling mga kamay, ang aking adviceto youis na makipag-ugnay ang kumpanyang ito sa pamamagitan ng email: highclassloanfund@gmail.com Maraming salamat