Linggo, Marso 31, 2013
Tunay na Dakila
Kahanga-hanga ang pag-ibig ng Diyos na maging ang bugtong na anak nya ay kanyang inalay upang tayo ay maligtas sa kasalanan. Tunay ang kanyang pag-ibig na kailanman di natin makikita sa iba. Sa ating pag-alala sa mga paghihirap ng ating panginoon naitanong na ba natin sa ating sarili, ito ba ay ating pinapahalagahan, ating bang inalala ang kanyang mga habilin. O isa din tayo sa iba na sariling kasiyahan lamang ang iniisip. Ang pagsapit ng mahal na araw ay ating pag-alala sa kabayanihan ng ating panginoon para sa ating lahat. Sinakripisyo nya ang kanyang buhay upang ang sinumang sumunod sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Bilang tao tayo ay paulit ulit na nagkakasala ngunit ang mahalaga ay marunong tayong humingi ng tawad at magbago. Di man tayo perpekto atleast kahit paunti unti ating binabago ang ating sarili tungo sa kalooban ng Diyos. Kung tayo ay nag-iisip ng ating kinabukasan, wag nating kalimutan ang ating kinabukasan sa buhay ispiritwal, parehas ito mahalaga pero ating alalahanin na mas importante ang buhay na ispiritwal kaysa sa buhay na materyal. Maging sa personal nating buhay alalahanin nating tayo'y anak ng Diyos na balang araw muling haharap sa kanya upang husgahan sa ating mga ginawa sa lupa. Kung umibig man tayo wag natin siyang kalimutan at laging isipin na siya ang mas mahalaga kaysa sa lahat maging sa iniirog mo o sa iyong ama't ina at kapatid ating tandaan tayo'y pag-aari nya. At bilang Diyos na ating pinagmulan at nagbigay ng lahat sa atin marapat lamang na siya'y ating gawing sentro ng ating buhay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento